Monday, October 9, 2017

Creating your future is important (Pag planohan ang kinabukasan)

Bakit mahalagang pag-planohan ang kinabukasan o ng mga anak
Hindi dapat tinatanong yan, bagamat naniniwala akong meron paring mga tao na hindi pinapahalagahan ang kinabukasan which is the most important goal that we should keep in mind when we are still young.

Narito ang mga listahan at rason kung bakit mahalaga at kaylangang pag-tuonan ng pansin ang mga ito.

Isa ay para makaiwas sa kahirapan, ito ang pangunahing dahilan kung bakit maraming nag hihirap, hindi po masama ang mag-asawa ng maaga at hindi rin po masama ang mag mahal ng maaga nasa sainyo parin po ang magandang decision na naplano mo ngunit sa kabila nang lahat ng ito ayon sa aking pag-aaral  hindi po ngayon nakapag tataka kung bakit maraming nag-hihirap ang bilang na naitalang mahihirap sa pilipinas ay 21% are in poverty 😯 according to a new survey of 2017, importante po ang edukasyun ng isang tao, kapag ang isang tao ay nakalimutang mag-aral at pinabayaan ay puwedeng mahantong sa kahirapan, ang puwedeng maging dahilan ng kahirapan ay ang kawalan ng trabaho o kaya namay mababang sahod. Hindi po dapat binabalewala ang pag-aaral 👍ito po ang pinto para sa magandang kinabukasan mo o ng mga anak mo, Ang Canada ang may pinakamataas na bilang nang may edukasyun o mga nakapag tapos ng pag-aaral 💁 sa boong mundo kaya naman napakaganda ng systema ng bansang ito at lahat ay may sari-sariling profession.

Pangalawa ay ang kalusugan, maraming mga Pilipino ang hindi nag tatabi nang pera para sa tinatawag na emergency fund 🏥, ito po ang importanteng pagtuonan ng pansin dahil kapag halimbawa nag kasakit ang isang tao meron po kayung mapagkukunan ng "back-up" 💰(pera) maliban pa po sa Philhealth or other government programs na nakakatulong din sa ating mga bayaran sa hospital kung mangyari mang ma-hospital pero wag naman po sana.

Kapag nag iinvest po tayo for our future 💸 malayo po ang mararating ng perang pinag hihirapan, merun po akong gustong I share na kaylangang gawin nang isang pamilya upang umunlad ang pamumuhay ng bawat isa 😾, ito po ang ang sacrificial plans, ano poba ito? – isa ay ikaw na magulang ang kaylangang mag umpisa nito wag mong sayangin ang oras o panahon upang ipasa pa ito sa mga anak mo ikaw na magulang ang mag tangal ng bunot ng niyog at ipasa mo ito sa mga anak mo, - kaylangang ikaw na magulang ang mag-simula ng ikakaunlad ng mga magiging anak at apo mo dahil lahat na ng tao ay nakikipag competensya, gusto mo bang ma iwan ng panahon? Gusto mo bang ang mga anak mo pa ang mag tuwid sa kahirapan niyo?😪 Kung mahal mo ang mga anak 👪mo at gustomong umunlad ang pamumuhay niyo wag po tayong tamad dahil lahat po ng umuunlad na bansa sa asia tulad ng japan ¥ ay napakaganda ng kanilang pamumuhay, bagaman meron paring bilang ng mga mahihirap sa japan ay maliit lamang ito kumpara sa atin.

♜ Kapag po tayo ay nag plano para sa kunabukasan hindi po kahirapan ang ating matatamasa kundi kaginhawaan ₱, wag po tayong pasisilaw sa mga bagay bagay na puwedeng maka sira sa ating attention sa ating isang pangarap, kaylangan po nating isa alang-ala na hindi po lahat ng tao sa mundo ay nag tatangumpay nang walang planong maganda para sa kanyang kinabukasan.

♜ Lastly, hindi rin po hadlang na hindi dahil nag sisimula tayo sa baba 📉 ay hangang doon na lamang tayo, kaya kopo sinasabi na importante po talaga ang edukasyun dahil ito po ang makakapag bigay satin ng mga idea, mga magagandang bagay upang makapag simula ng isang positibong pag-iisip at mas magandapang direksyun ng buhay 📈

Sana po ay naintindihan niyo ang aking mga sinasabi kung meron po kayong mga tanong tungkol sa write-up na to wag pong mahiyang magtanong at mag suggest ng mga babasahin at akin po itong bibigyan ng kahulugan. Marami pong salamat sa pag babasa.


No comments:

Post a Comment